Legal na payo

Legal Advice - Filipino (Wikang Filipino)

Kapag tinutulungan ka ng isang abogado sa iyong partikular na problema tungkol sa batas, tinatawag namin itong legal na payo. Ang legal na payo ay naiiba sa legal na impormasyon, na maaaring mas pangkalahatan at kadalasang ibinibigay ng isang taong may alam sa batas ngunit hindi isang abogado.

Ang Legal Aid NSW ay nagbibigay ng legal na impormasyon sa sinumang may problemang legal sa NSW sa pamamagitan ng aming serbisyo para sa legal na impormasyon at pagsangguni na LawAccess NSW.

Nagbibigay kami ng libreng legal na payo sa mga karapat-dapat sa pamamagitan ng telepono at sa maraming lokasyon sa buong NSW.

Ano ang maaasahan sa iyong sesyon para sa pagpapayo

Ang aming mga sesyon para sa legal na pagpapayo ay libre at karaniwang tumatagal nang mga 20 minuto. Pakikinggan ng isang abogado ang iyong sasabihin tungkol sa iyong problema, magtatanong ng ilang follow up na tanong, at tutulungan kang magdesisyon kung ano ang susunod mong dapat gawin.

Maaari silang magbigay ng tulong sa mga maiikling dokumento kung wala kang abogado. Hindi sila makakatulong sa iyo sa mas mahaba at masalimuot na mga legal na dokumento.

Sasabihin din sa iyo ng iyong abogado kung maaari ka niyang patuloy na tulungan sa iyong kaso. Kung oo, tutulungan ka ng kawani na punan ang isang aplikasyon para sa legal na tulong.

Kung hindi kami makakatulong pa sa iyo pagkatapos ng iyong sesyon para sa pagpapayo, maaari ka naming bigyan ng impormasyon kung saan ka maaaring pumunta para sa higit na tulong.

Tungkol saan kami nagbibigay ng payo

Ang aming mga abogado ay makakapagbigay ng suporta sa iyo sa mga usaping kriminal na kasangkot ang pulisya, mga usaping pampamilya na kasangkot ang mga bata o pagkasira ng isang relasyon, o mga usaping sibil kung saan nagkakaproblema ka sa isang pangunahing pangangailangan tulad ng tirahan, suporta sa kita, o akses sa mga suportang pangkalusugan at para sa kapansanan.

Sino ang maaaring makakuha ng legal na payo

Hindi kami nagbibigay ng legal na payo para sa lahat. Ang layunin namin ay magbigay ng mga legal na serbisyo sa mga tao sa NSW na nakakaranas ng katalunan, at mayroon kaming mga limitadong mapagkukunan para makamit ito.

Paano mag-book ng sesyon para sa pagpapayo

Ang pinakamahusay na paraan para malaman kung makakapagbigay kami sa iyo ng libreng legal na payo o pag-book ng appointment ay makipag-usap sa aming team sa LawAccess NSW.

Maaari kang makipag-ugnay sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag sa 1300 888 529 o sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang online na webchat service. Bukas sila mula 9am hanggang 5pm, Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga araw na pista opisyal).